Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Friday, April 27, 2001

Sana

kapag ikaw ang kausap
anong saya ang nadarama ng puso
hindi maintindihan
hindi maunawaan

gusto kitang laging kausap
maski sa telepono lamang
anong ligaya ang aking nadarama
sana'y ikaw aking makasama
sa araw at gabi
makapiling sa bawat sandali
sana'y ikaw ang laging katabi

sa buong magdamag
ikaw sana'y ang laging yakap-yakap
ang araw ko’y sumasaya
maski marinig lang boses mo sa telepono
laging may ngiti
laging may tuwa

puso ko'y laging ikaw ang hanap
panaginip ko’y sana maging ganap
na ika'y aking makapiling
mababaw lang ako
marinig lang boses mo sa telepono
masaya na ako
minsan pa nga iniisip ko
ako'y kasama mo

sana words by angelo zantua 27th of april, 2001

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...