Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Friday, July 27, 2001

Dahil Ganyan Kita Kamahal

ito’y laging tatandaan na ika’y aking mahal na mahal
ang pagibig ko sa’yo na aking alay ay sadyang totoo at tunay
wag mag isip ng ano pa man
dahil ikaw lang ang laman ng aking puso at isipan
ganyan kita kamahal
lumipas man ang araw at oras
ang pagibig ko sa’yo’y hindi mangu-ngupas
dahil ikaw lang ang aking mahal
ang iyong laging tatandaan na hindi kita iiwan
hindi ako mawawala sa puso mo
hindi magkukulang
hindi magbabago ang pagibig ko sa’yo
dahil ganyan kita kamahal

dahil ganyan kita kamahal words by angelo zantua 27th of july, 2001

Monday, July 23, 2001

Bakit Ito Ang Kapalit

akala ng aking puso ko ikaw na ang sadyang magmamahal ng tunay
ngunit pagibig mo’y biglang naglaho
ngayon ika’y wala na sa aking buhay
tayong dalawa'y nagsumpaan na tayo'y magmamahalan
ngunit ika'y tumalikod at ako’y iyong iniwan

alam mo ba na mahal na mahal kita
isip at oras sa’yo ay binigay
alam mo ba ang pagibig ko sa’yo ay tapat
pagmamahal ko sa’yo ay totoo
ngunit bakit ito ang kapalit ang iyong paglisan

sadyang kay sakit dito sa puso kong tapat
tumigil man ang aking pagluha
sadyang kay hirap tanggapin
dahil ang tanong ng aking isip
bakit ito ang kapalit

bakit ito ang kapalit words by angelo zantua 23rd of july, 2001

Wednesday, July 18, 2001

Aking Mahal

maski ito’y laging sasabihin
kahit ito’y laging babanggitin
sana ito’y paniwalaan na ika’y aking mahal

gabi-gabi ika’y nasa panaginip
araw-araw ika’y laman ng isip
sa bawat sandali ang hanap ay ikaw aking mahal

anong saya na ika’y aking mahal
anong tuwa na ako’y iyong mahal
ikaw lang ang aking iibigin
ikaw lang ang aking mamahalin aking mahal

tayo’y mangako
na ang pagibig natin ay hindi maglaho
malapit man o malayo
ang pagmamahalan natin sa isa’t isa ay hindi magbago

aking mahal words by angelo zantua 18th of july, 2001
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...