Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Monday, July 23, 2001

Bakit Ito Ang Kapalit

akala ng aking puso ko ikaw na ang sadyang magmamahal ng tunay
ngunit pagibig mo’y biglang naglaho
ngayon ika’y wala na sa aking buhay
tayong dalawa'y nagsumpaan na tayo'y magmamahalan
ngunit ika'y tumalikod at ako’y iyong iniwan

alam mo ba na mahal na mahal kita
isip at oras sa’yo ay binigay
alam mo ba ang pagibig ko sa’yo ay tapat
pagmamahal ko sa’yo ay totoo
ngunit bakit ito ang kapalit ang iyong paglisan

sadyang kay sakit dito sa puso kong tapat
tumigil man ang aking pagluha
sadyang kay hirap tanggapin
dahil ang tanong ng aking isip
bakit ito ang kapalit

bakit ito ang kapalit words by angelo zantua 23rd of july, 2001

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...