well, i'm giving up na. it's not worth to hold on pa kasi. suko na ako. baka mapagod lang ako at hindi din maganda sa life. pinalaya na talaga ako. i guess i'm gonna respect that. hindi nga natin pedeng pilitin ang taong wala ng tibok sayo na mag-sama pa. i respect the decision. i admit na meron mga oras na hinahanap ko at naaalala ko sya. para kasing mahalagang bagay ang nawala eh. o kaya para kasing isang sugat na pagaling pa lang. hinihintay mong gumaling. iniingat-ingatan mong 'di masangga, kasi nga mahapdi. pero once gumaling ito, magiging peklat at ang peklat 'pag nakita mo, maaalala mo na nasugatan ka pala. tapos mapapangiti ka pa. kaya siguro sa ngayon pagaling pa lang ang sugat at hinihintay maging peklat kaya iniingatan ang bawat kilos. drama eh.
i don't wanna pretend na minsan 'di sya kunware na aalala ko. kasi, parang dinadaya ko lang sarili ko. maaalala mo kasi mga masasayang araw. maaalala mo mga sumpa na kahit anong manyari paglalaban ninyong dalawa at ang alam ko lang kasi kapag mahal mo isang tao, kinakalimutan mo mali nya at 'di mo papansinin 'yon. kasi nga mahal mo eh. at ang ngayon ang iniisip mo. ganon siguro ako. mas importante sa akin ang ngayon. ang kahapon naman ay isang aral at ang bukas ay isang pagsubok na magiging isang ngayon. wala akong problema when it comes to trust. seloso ako, alam ko 'yon. pero pacute-effect lang mga 'yon. kasi doon ko nararamdaman na mahal na mahal mo isang tao. para kasing nagbibigay ng buhay sa puso.
pero 'di ko inisip na iba pala ang reflection sa ibang tao. minsan kasi 'di ko iniisip sinasabi ko bago ko sabihin. matalas minsan magsalita. pero sa huli ang pagsisi kung bakit nasabi. siyempre nasaktan mo na yung tao at naiipon 'yon na hindi na papansin. hanggang dumating ang araw sa isip na hindi na kaya. napuno na. kaya umapaw na lang. kung meron man siguro sisisihin, aaminin ko na ako 'yon. tataas ko pa kanan kamay ko. well, sa ngayon, dapat kong harapin ang ngayon. drama noh? ahihi.
Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets
twitter.com/bubong
Monday, April 11, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment