Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Monday, May 23, 2005

Nagsisiga Ng Oras

Nalulunod sa langit na parang nakahiga sa hangin,
mabigat ang ulap na parang lumalangoy sa buhangin

Nakaupo sa liwanag na parang tumatakbo sa tubig,
nakasandal sa ulan na parang kinakausap ang kuliglig

Nakalutang sa alaala na parang lumiliyab ang gabi,
umuusok sa katotohanan na parang nilulunok ang sandali

Nasisilaw sa bukas na parang nakatalikod sa ngayon,
kaharap ang sarili na parang kinakantahan ang kahapon

Nagsisiga Ng Oras words by angelo zantua 23rd of may, 2005

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...