‘di mo masabi
minsan di mo mabanggit
dahil minsan sa dulo ng labi
kung ito’y aaminin masakit
alam mong mali
minsan ginagawa mong tama
pero sa huli
ito’y magwawagi sa isang kurap ng ‘yong mata
maraming tanong
alam mong isa lang ang sagot
pero minsan ‘di mo ‘to pinapansin
kahit itago man, sa wakas ika’y lagot
dahil ito’y lilitaw parin
madalas naghahanap tayo ng dahilan
para sandaling makalimutan
pero kahit sa dilim
nagniningning ang katotohanan
ito ba’y masama?
ito ba’y batas?
ito ba’y laban sa paniniwala?
ito ba’y ang makasalanan na prutas?
pero ang tanong lagi, ano ba ang tama?
minsan di mo mabanggit
dahil minsan sa dulo ng labi
kung ito’y aaminin masakit
alam mong mali
minsan ginagawa mong tama
pero sa huli
ito’y magwawagi sa isang kurap ng ‘yong mata
maraming tanong
alam mong isa lang ang sagot
pero minsan ‘di mo ‘to pinapansin
kahit itago man, sa wakas ika’y lagot
dahil ito’y lilitaw parin
madalas naghahanap tayo ng dahilan
para sandaling makalimutan
pero kahit sa dilim
nagniningning ang katotohanan
ito ba’y masama?
ito ba’y batas?
ito ba’y laban sa paniniwala?
ito ba’y ang makasalanan na prutas?
pero ang tanong lagi, ano ba ang tama?
ano ba ang tama? words by angelo zantua 16th of september, 2008
No comments:
Post a Comment