Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Sunday, October 5, 2008

Naburang Pag-Ibig

tinangay ng ihip ng hangin
sa mga patak ng ulan nabura
natuyo sa sinag ng araw
naglaho na parang bula

ninakaw ng gabi
nawala sa dilim
inagaw ng madamot na panahon
at itinago na parang lihim

parang ganyan ang ating pag-ibig
natunaw na lang bigla
'di na madinggin ang himig
dahil nilisan ng sigla

may luha ang sampal ng iglap
ang palo ng lamig dama
yakap ang sarili
nagtatanong kung ito'y tama
sa ala-ala lilitaw
nagsasabing ito ang takdang panahon
kahit masakit dapat bumitaw
dahil ito'y aral mula pa noon

naburang pag-ibig by angelo zantua 5th of october, 2008

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...