Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Friday, March 30, 2012

Pangit o maganda, kung walang binatbat, pare-parehas lang pangit!

"Pangit o maganda, kung walang binatbat, pare-parehas lang pangit!"
- Angelo Zantua

Friday, March 16, 2012

6 years of Thursday

189,475,200 seconds or 3,157,920 minutes or 52,632 hours or 313 weeks or 2193 days or 6 years of Thursday!

Thursday, March 15, 2012

Hindi Inaasahang Pag-Ibig

tumitingin-tingin
sumusulyap-sulyap
hindi naman pinapansin
panay lang ang kurap
tinutukso-tukso
tawa lang ng tawa
kinikilos ay parang batang muang
nagkukunwaring walang alam
kinikilig
nabubulol at nagkakamali
iniiwasang titig
hindi mapakali
biglang nagkausap
sandali’y tinataglay
lumutang sa ulap
paligid ay puno ng kulay
ako’y namamangha
at nanatiling nagtataka
hindi naman hinahanap ngunit natagpuan
walang katok pumasok na lang sa may pintuan
pag-ibig ay sadiyang dumating
hindi naman hinihiling
wala naman hinihintay
dumating na lang sa buhay
hindi naman pinapangarap
ngunit sa isang iglap
ang pag-ibig ay aking kaharap

hindi inaasahang pag-ibig words by Angelo Zantua 15th of March, 2012

Saturday, March 3, 2012

Hindi pagkakaunawaan, ang salungatan ng mga taong hindi magkaintindihan.

"Hindi pagkakaunawaan, ang salungatan ng mga taong hindi magkaintindihan."
- Angelo Zantua
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...