Where my dreams can't escape and where I can keep my secrets

twitter.com/bubong

Thursday, March 15, 2012

Hindi Inaasahang Pag-Ibig

tumitingin-tingin
sumusulyap-sulyap
hindi naman pinapansin
panay lang ang kurap
tinutukso-tukso
tawa lang ng tawa
kinikilos ay parang batang muang
nagkukunwaring walang alam
kinikilig
nabubulol at nagkakamali
iniiwasang titig
hindi mapakali
biglang nagkausap
sandali’y tinataglay
lumutang sa ulap
paligid ay puno ng kulay
ako’y namamangha
at nanatiling nagtataka
hindi naman hinahanap ngunit natagpuan
walang katok pumasok na lang sa may pintuan
pag-ibig ay sadiyang dumating
hindi naman hinihiling
wala naman hinihintay
dumating na lang sa buhay
hindi naman pinapangarap
ngunit sa isang iglap
ang pag-ibig ay aking kaharap

hindi inaasahang pag-ibig words by Angelo Zantua 15th of March, 2012

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...