tara
akyat tayo sa taas ng bubong
malungkot dyan sa may silong
kaya tara
akyat na lang tayo sa taas ng bubong
huwag kang makinig sa mga bulong
kaya tara
umakyat na lang tayo sa bubong
aakayin kita kung gusto mo ng tulong
kaya tara
doon na lang tayo sa may bubong
sa itaas mabagal ang oras parang pagong
kaya tara
akyat tayo ng bubong
makikita mo lahat kapag ika'y sa taas pumatong
kaya tara
akyat tayo sa taas ng bubong
di ka magugutom
sa taas may handang talong at tahong
kaya tara
umakyat na lang tayo sa taas ng bubong
hayaan mo mga manok dyan sa silong na pang sabong
kaya tara
doon na lang tayo sa bubong
tara, sa bubong!
tara, sa bubong! words by angelo zantua 1st of march, 2007
No comments:
Post a Comment